Skip to content
Sila Qatar

unknown

Certified Batangueñong Layas

fifa

Manifesto ng Certified Batangueño 1. Ang tunay na Batangueño ay nagsasabaw ng kap-e. 2. Ang tunay na Batangueño ay laging may “i o e” sa huli pag nag-uutos. e.g. Ang magwalis ay wal-si. Isampay ay sampa-ye. Isara at sar-hi. Lagyan ay lag-ye. 3. Ang tunay na Batangueño ay laging bangilngilan pag naghuhuntahan. 4. Ang tunay na Batangueño ay hindi nalantak ng regular na lomi laang, laging ispesyal. 5. Ang tunay na Batangueño ay mahilig sa hawot. 6. Ang tunay na Batangueño ay magilas sa dalaginding pero maginoo at kainaman ang respeto. 7. Ang tunay na Batangueño ay galit sa tulingan. Isinaing na ay pinirito pa ih. 8. Ang tunay na Batangueño ay mahilig lumantak ng bahaw lalo na sa minandal. 9. Ang tunay na Batangueño ay laging sakol bagos nakataas pa ang paa pag nalamon. Subukan mong dumais at baka ika’y mabigwasan pag ganado. 10. Ang tunay na Batangueño ay hindi nagsasabi ng “ba”, laging “ga”.

Followers
-
Language
-
Location
Qatar
Content
fifa

Public accounts

Recent public videos